USC-TG: Muling Namukadkad

imaheat
“Imahe at Karangalan”: Isang katagang binubuo ng dalawang simpleng mga salita subalit malalim ang nais ipakahulugan.

Inihandog ng University of San Carlos-Theatre Guild ang isang pagbibigay-buhay sa mga natatanging akda ng dalawa sa pinakasikat at tinitingalang mandudula ng Pilipinas na sina Amado V. Hernandez at Rogelio R. Sikat, bilang pagdiriwang sa kanilang ika-tatlumpu’t siyam na anibersaryo. Ang mga dulang ini-akto sa entablado ng SM Cebu Cinema 1 ay ang orihinal nilang komposisyon na “Hagdan sa Bahaghari” at “Moses, Moses.” Sa direksyon ni Alfe Marie Latras, mabisang pinili ang pinakamahuhusay na aktor at aktres sa nasabing grupo para sa dalawang araw na pagtatanghal na naganap noong ika-30 at 31 ng Agosto nang paulit-ulit sa magkaibang oras – 10 a.m., 12 sa tanghali, 2 p.m., 4 p.m., 6 p.m., at 8 p.m.

Ang mga karaniwang pumatok sa masa dahil sa kanilang mga angking galing sa pag-arte sa gumaganap ng papel bilang ina ni Gilda Santi, Vicente G. Alcarez Jr. IV (Tony) na napakalinaw sumambitla ng kanyang mahahabang mga linya, Jaime Vicente H. Omolon (Tiya Ana) na sadyang magaling magpatawa dala rin ng papel na hinawakan, Danielle C. Cabana (Regina Calderon) sa kanyang madamdaming dalamhati matapos patayin ang sariling anak, Michael Clint T. Ferenal (Ben Calderon) nang magmura sa harap ng lahat upang mailabas ang galit at hinagpis sa awayan ng ina at kuya nito laban sa mayor, at ang iba pang mga piling miyembro ng Theatre Guild na naging mga pangunahing sangkap upang makumpleto ang kulay sa teatro.

Sa kabilang panig, tumatak naman ang mga linyang binitawan nina Gilda Santi na “ang lipunan at salapi ay di lahat,” at ang kay Tony na “mata sa mata, ngipin sa ngipin.”

Hindi matatawaran ang husay sa paglalagay ng sining sa bawat istorya, tulad ng paglagay ng mga sayaw para sa mas mabilis na paghatid ng mensahe, paggamit ng slow motion sa ilang mga mahahalagang parte, mga light and music effects na mas nagpatingkad sa ‘tunggaliang panprinsipyo’ ng mga karakter at igting ng pinangyarihan, ang estratehiya kung saan humihinto ang ibang mga nagsipaganap at tanging ang bida at kontrabida lamang ang natitirang nagsasalita at gumagalaw, kakaibang paraan ng pagpokus sa mga gumagalaw sa entablado sa bisa ng maayos at malinis na paglilipat-lipat ng spotlight, at higit sa lahat, ang tunay na halagang mayroon silang mga kagila-gilalas na presentasyon dahil sa presensya ng lahat ng mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay, lalung-lalo na ‘yung mga nagpakitang-gilas sa tanghalan.

Masasabing hanggang ngayon ay di pa rin kumukupas ang matibay na pagsasanay ng mga alagad ng sining sa ating pamantasan at lubos silang hinahangaan sa pagpapaalala sa kanilang mga kapwa Pilipino kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal laban sa pangalan at hustisya laban sa kapangyarihan. Nawa’y nagsilbing inspirasyon sa mga nanood ang natunghayang palabas kahit nabubuhay na sa kasalukuyang henerasyon.

 

You may also like...

2 Responses

  1. Kendrick Lim says:

    Nice jud kaayo ang Imahe at Karangalan. Super. Congrats USC-TG! More Power. KUDOS!

  2. “Ang mga karaniwang pumatok sa masa dahil sa kanilang mga angking galing sa pag-arte sa gumaganap ng papel bilang ina ni Gilda Santi, Vicente G. Alcarez Jr. IV (Tony) na napakalinaw sumambitla ng kanyang mahahabang mga linya,”

    -This part of the article is wrong

    It is Victoria Santi (not Gilda Santi) and Portrayed by (Sara Ann Phoebe Valiente) and (Danica Camomot as Alternate)

    The Mother’s portrayer is (Hyacinthclaire Redoble) and Father’s (Alternate) Portrayer is (John Paul Diaz)

    Please do correct the Article. Thanks 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *